Utang ng Pilipinas, pumalo pa sa panibagong record high na P12.68 trillion

Naitala sa panibagong record high ang outstanding debt o utang ng Pilipinas na pumalo sa P12.68 trillion sa pagtatapos ng buwan ng Marso ngayong taon.

Sa datos ng Bureau of Treasury, umabot sa P586.29 billion ang itinaas pa ng utang ng gobyerno.

Katumbas ito ng 4.8 percent ng utang panloob at panlabas mula sa tinatawag na total debt stock.

Sa nasabing halaga ng utang, 69.9 percent dito ay domestic habang 30.1 percent naman ang external debt.

Mababatid na noong pagtatapos ng buwan ng Pebrero ay pumalo sa P12.09 trillion ang utang ng Pilipinas. (CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *