Inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte bumilis pa sa 4. 2 % noong Marso

CAMARINES NORTE – Bumilis pa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte noong Marso na pumalo sa antas na 4.2 % kumpara sa 3. 2 % noong Pebrero.

Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas nitong Biyernes, April 5, 2024.

Mas mababa naman ito sa 8. 6 % sa kaparehong panahon noong isang taon.

Ang pangunahing dahilan nito ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Alcoholic Beverages and Tobacco na nagtala ng 13. 5 %, restaurant and accommodation services gayundin ang food and non- alcoholic beverages.

Ito ang ikalawang sunod na buwan ng pagbilis ng inflation sa lalawigan nitong taon.

Bumilis din sa pangkalahatan ang inflation ng Bicol sa 3. 7 % kumpara sa 2. 9 % noong Pebrero.

Pinakamabilis ang inflation sa Catanduanes sa antas na 4. 9 % habang nanatiling pinakamabagal naman sa Sorsogon sa antas na 1. 6 %.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas malaki ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *