“World’s Biggest Election Loser,” tatakbo muli sa eleksyon sa ika-239 na beses

Itinuring na “Election King” at “World’s Biggest Election Loser” si K. Padmarajan mula sa India.

Ito’y dahil lumahok siya sa 238 political elections at ni minsan ay hindi pa siya nananalo.

Tatlong dekada na siyang kumakandidato, at malaki na rin ang nagastos sa pangangampanya.

Ngunit sa kabila nito, pangalawa lang sa kanyang layunin ang manalo sa halalan dahil gusto niyang maipakita kung paano maging resilient ang isang tao at kung paano maging sportsmanship.

Ngayong taon ay muli siyang tatakbo at target niyang makakuha ng parliamentary seat ng Dharmapuri district ng Tamil Nadu.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *