Inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo  sa Camarines Norte bumagal pa sa antas na 3. 9 % noong Disyembre 2023

CAMARINES NORTE – Bumagal pa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Disyembre sa antas na 3. 9 %.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mas lalo pa itong bumagal  kumpara sa 5. 2 % noong Nobyembre at sa 8. 6 % sa kaparehong panahon noong 2022.

Ito na ang pinakamabang inflation rate simula Enero o sa buong taon ng 2023.

At sa unang pagkakataon pagkalipas ng maraming buwan na ang Camarines Norte ang nakapagtala ng pinakamataas na inflation, kabaliktaran ang nangyari noong Disyembre dahil ito naman ngayon ang pangalawa sa may pinakamababang inflation sa Bicol Region na halos kapareho ng Sorsogon na nakapagtala naman ng 3. 3 %

Ang mababang inflation sa Camarines Norte ay dahil sa pagbaba ng presyo sa pabahay, tubig, kuryente at mga produktong petrolyo na sa mga unang bahagi ng 2023 ay siya namang dahilan ng mataas na inflation.

Sa kabila nito nananatiling mahal ang Restaurants and accommodation services.

Nag- ambag rin sa inflation ang alcoholic beverages and tobacco gayundin ang pagkain.

Bahagya namang bumilis ang inflation sa buong Bicol region dahil mula sa 4. 5 % noong Nobyembre ay umakyat sa 4.9 % noong Disyembre.

Pinakamabilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Albay sa antas na 5. 5 % at Camarines Sur sa 5. 3 %.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *