Inflation rate sa bansa, tiyak umanong bababa simula ngayong buwan dahil sa nalalapit na harvest season

Tiyak umanong bababa simula ngayong buwan ang inflation rate ng bansa dahil sa nalalapit na harvest season.

Ito ang sinabi ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na siya rin chairman ng House ways and means sa gitna ng pagtaas ng inflation sa 8.7 percent noong Enero at 8.1 percent noong December 2022.

Tiniyak ng mambabatas na ang overall price level ngayong Pebrero at bawat buwan ngayong 2023 ay mas bababa sa 8.7 percent. Ipunto nito na ang mga presyo ng gulay lalo na ang sibuyas ay bababa lalo na sa panahon ng anihan.

Ngunit ipinunto ni Salceda na ang 2 hanggang 4 percent inflation na target ng gobyerno ay maaaring mahirap maabot sa ngayon.

Nauna nang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas na mas maraming interest rate hikes ang inaasahan sa hangaring hilahin ang inflation sa 2 hanggang 4 na porsyento.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *