DTI Bicol, muling nagbabala na pagmumultahin ang sinumang mahuling lumalabag sa SRP

Muling nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) Bicol sa mga nagnenegosyo na kanilang pagmumultahin at posibleng kasuhan ang sinumang mahuling lumalabag sa ipinatupad nasuggested retail price (SRP).

Ayon kay DTI Bicol Consumer Welfare Division Head, Ruben Sombon, makakatanggap ng kaukulang penalidad ang sinumang nagnenegoyso na ang presyo ay lampas sa SRP.

Dagdag pa niya, dapat ay maging patas pa rin ang mga retailers sa pagnenegosyo sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Base sa mga monitoring, may mga ilang brand na ng delata ang nagtaasan ng presyo, dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng ilang sangkap, dagdag pa ng gastos sa pagbyahe kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ngunit, ayon sa kanya, pagdating naman sa mga produktong pang-agrikultura, Department of Agriculture (DA) umano ang dapat na lapitan patungkol sa isyung ito.

Sa ngayon, patuloy na nakamonitor ang ahensya sa presyuhan sa merkado at inaabisuhan din nila ang publiko na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga reklamo tungkol sa hindi normal na pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa mga tindahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *