Insidente ng pagkahimatay ng ilang mag-aaral sa Naga City, napag-alaman; hydration station iniutos na

NAGA CITY – Napag-alaman na may ilang mag-aaral na sa Naga City, ang nahimatay dahil sa matinding init na ng panahon.

Ayon kay Ernesto Elcamel, Head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, may mga narerespondehan nang mga nahihimatay na mga estudyante dahil sa ang iba naglalaro sa labas ng silid-aralan, kaya pinalimitahan na muna ang mga outdoor activities, maliban pa riyan may mga narerespondehan pang mga na-heat stroke o na-heat stress na.

Sabi naman ni Allen Reondanga, Head ng City Events, Protocol and Public Information Office, nag-utos na ang Lokal na Pamahalaan na maglagay ng mga hydration station ang Metropolitan Naga Water District lalo na sa mga open spaces kung saan mas tinatao, maging ang mga school head inabisuhan nang maglagay na rin ng mga drinking station, kasama pa ang City Hall lalo na para sa mga kliyente, bilang aksyon upang maiwasan ang mas maraming pang insidente dahil sa matinding init ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *