Instant reminders ipapaskil sa mga establisimyento sa Cory Aquino Boulevard matapos makitaan ng paglabag sa Health Protocols ang ilang mga may-ari ng rolling stores

CAMARINES NORTE- Magpapadala ng liham sa mga establishment owner sa kahabaan ng Cory Aquino Boulevard ang Provincial Tourism Office na magpapaalala sa mga ito ng mga panuntunan ng IATF at PIMT kaugnay ng COVID-19 reminders

Ito ay matapos na masaksihan ang ilang indibidwal na may ari ng mga rolling stores na hindi sumusunod sa Health Protocols sa kanilang isinagawang inspeksyon sa naturang lugar noong July 3, 2021

Katuwang ng PTO sa paginspeksyon sa naturang lugar ang PNP, mga Tourism Officers at Barangay Officials ng mga bayan na nakakasakop ng naturang lugar.

Sa ulat  ni Provincial Tourism Officer Mariano “Bong” Palma sa nakaraang pagpupulong ng Provincial Incident Management Team, natuklasan na wala ring maayos na kagamitan ang mga ito katulad ng paggamit ng mga Benches at walang maayos na table arrangement , buffet style ang pagkain ng ilan at wala ring kaukulang sinages o reminders kaya’t hindi nasusunod ang Social Distancing

Ayon sa ulat ni Palma bilang aksyon ay magpapadala sila ng liham sa Establishment Owner na magpapaalala sa mga ito ng mga panuntunan ng IATF at PIMT kaugnay ng COVID-19 reminders

Ito ay kailangang ipaskil ng mga establisyemento sa Kahabaan ng Cory Aquino Boulevard upang maging Instant Reminders sa mga kostumer at mga mamamasyal.

Tiniyak naman ni Palma na muling bibisita ang monitoring team hindi lamang sa naturang Boulevard kundi pati narin sa mga River Resorts sa lalawigan upang matiyak na nasusunod ang ipinaiiral na standard health protocols

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *