INTERBENSYON NG DA REGION 2 SA EPEKTO NG EL NIÑO, TINALAKAY

Tinalakay ng pamunuan ng Department of Agriculture – Regional Field Office 2 ang posibleng “Convergence Initiatives” ng iba’t ibang DA Banner Programs para sa maayos na interbensyon sa posibleng epekto ng El Niño.

Ipinunto ni Dr. Rose Mary G. Aquino, Regional Technical Director for Research and Regulatory/Regional Officer and Focal Person na kailangang aksyunan agad ang maaring epekto ng El Niño.

Aniya, magsagawa ng pre-positioning of seeds, cloud seeding operation, augmentation ng Bufferstocks, water pumps, pagsusuri sa mga tanim na palay at mais sa mga vulnerable areas at iba pa.

Binigyang-diin naman ng DA-Regional Corn Program Coordinator at El Niño Task Force Secretariat Head na si Paul Vincent G. Balao na kailanagan ang pakikipagtulungan sa bawat LGU na labis na maapektuhan ng El Niño.

Dagdag pa ni Balao, ang mga taniman ng mais sa probinsya ng Cagayan at Isabela na lubhang maaapektuhan ng tagtuyot ay pagsama-samahin sa paggawa ng corn silage bilang alternatibong ng hanap-buhay ng mga magsasaka.

Sa ngayon, ang revitalized DA-RFO 02 Task Force on El Niño ay naghahanap na ng mga paraan para pagaanin ang mga posibleng epekto ng tagtuyot sa mga susunod na buwan.

Ayon naman sa DOST-PAGASA, nalalapit nang maranasan ang El Niño ngayong Oktubre hanggang Nobiyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *