Internal Affairs Service ng PNP nag-inspeksyon sa Daet MPS, kalagayan ng mga Person Deprived of Liberty inalam din

CAMARINES NORTE – Nagsagawa ng simultaneous operation ang Philippine National Police Internal Affairs Service (IAS) para tingnan kung nasusunod ng mga kapulisan ang Police Operational Procedure sa pag- aresto sa mga lumalabag sa batas at alamin ang sitwasyon ng mga Person Deprived of Liberty.

Dito sa Camarines Norte nagtungo ang IAS sa Daet Municipal Police Station para alamin ang kalagayan nito at makita rin kung tinatrato ng maayos ng mga pulis ang mga PDL.

Ayon kay PLTCOL Gaudencio Diaz Jr, Provincial Superintendent ng PNP IAS sa Camarines Norte, ang kanilang operation ay tinatawag na Implan Pagsasaliksik kung saan binusisi at binuklat ang mga police records at case folders.

Importante umano ito upang malaman kung ginagawa ng maayos ng mga kapulisan ang kanilang trabaho.

Sinilip din ang custodial facility upang malaman kung nasa maayos na kalagayan ang mga PDL at hindi nalalabag ang kanilang karapatan.

Isa- isa ring kinausap ang mga ito ng IAS personnel upang tanugin kung tama ang ginawang pag aresto at pag trato sa kanila ng mga pulis.

Ayon kay Diaz isa sa mga problema talaga ng mga police station sa bansa ay overcrowded ang kanilang custodial facility.

Nagbabala rin ang opisyal na maaaring makasuhan ang mga police personnel na hindi ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho.

Batay sa datos, sampung pulis sa Camarines Norte ang nakasuhan sa IAS ngayong taon na nasa summary hearing phase pa at ang iba ay may resolution na.

Kabilang sa mga kasong naisampa sa IAS laban sa mga pulis ay illegal discharge of firearms, paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *