Orientation sa mga PPCRV Volunteers ginawa sa iba’t ibang parokya ng Diocese of Daet

CAMARINES NORTE – Nagsagawa ng orientation  sa kanilang mga volunteer ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa iba’t- ibang parokya ng Diocese of Daet bilang paghahanda sa barangay at Sangguniang Kabataan Elections

Noong Sabado isinailalim sa orientation ang mga volunteer sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Jose Panganiban na pinangunahan ng kanilang Kura Paroko at siya ring  Diocesan Priest Coordinator na si Fr. Rogelio Yarte Jr.

Initial meeting naman ang ginanap sa Parish of St. Helena the Empress sa bayan ng Sta Elena.

Pinangunahan naman ni Fr. Milo Jojo Caymo, Parish Administrator ang orientation ng mga volunteer sa Paroquia de San Pedro Apostol sa Vinzons.

Noong linggo ay nagsagawa rin ng orientation sa mga volunteer sa St. Francis of Assisi Parish sa bayan ng Talisay.

Ayon kay PPCRV Diocesan Lay Coordinator Marissa Bernardo, naghahanap pa sila ng mga karagdagang volunteer dahil kumpara noong May 2022 national and local elections na mayroong mahigit tatlong libong volunteer, ngayon ay kalahati na lang nito ang magsisilbi ngayong BSKE dahil marami sa kanila ay kumandidato.

Ang mga nagnanais mag volunteer ay maaaring makipag ugnayan sa kani- kanilang parokya para mag fill- up ng application form.

Ang pwedeng maging PPCRV volunteer ay ang nasa voting age na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *