Iranian woman walang suot na hijab nang makipagkumpetensiya sa chess tournament

Isang Iranian chess player ang lumahok na walang suot na hijap sa isang international chess tournament matapos magsimula ang mga protesta laban sa gobyerno sa naturang bansa.

Nagsimula ang demonstrasyon sa Iran noong Setyembre matapos mamatay ang ang 22-taong-gulang na Iranian Kurdish na si Mahsa Amini habang nasa kustodiya ng pulsiya dahil sa hindi niya naaangkop na kasuotan.

Ayon sa mga ulat, si Sara Khadem ay nakipagkumpitensya sa FIDE World Rapid and Blitz Chess Championships sa Almaty, Kazakhstan, nang walang hijab – isang headscarf na mandatory sa ilalim ng mahigpit na dress code ng Iran.

Nag-post din ang isang media outlet ng larawan niyang nakasuot ng headscarf ngunit hindi sinasabi kung kuha ito sa parehong event.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *