Isa nasawi sa dengue sa Camarines Sur

NAGA CITY- Tatlo ang nasawi dahil sa dengue Bicol Region base sa huling record ng Department of Health Bicol noong Hulyo 9.

Sa talakayan ng DOH nitong nagdaang araw sinabing ang mga nasawi ay mga residente ng Ocampo, Camarines Sur, isa rin sa Caramoran  probinsya ng Catanduanes at Masbate City.

Kung babalikan mula Enero 2022 , 814 na ang dengue cases sa Bicol Region. Mas mataas ito kaysa noong 2021 na may 403 lamang.  Binigyang diin ng DOH na wala pa sa dengue outbreak ang rehiyon.

Sa Ocampo , Camarines Sur sinusunod ng mga Barangay Officials ang kautusan ng Kagawaran at ng Department of Interior and Local Government o DILG sa malawakang paglilinis.

Ayon kay San Antonio Punong Barangay Pepito Llanza , bago pa man nila nalaman na may namatay sa kanilang bayan dahil sa dengue, ipinatutupad na ang 4S.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *