Gina Pareño, inaming miyembro siya ng LGBTQ community

Inamin ng award winning actress na si Gina Pareño na miyermbro siya ng LGBTQ community.

Ito ang kinumpirma ng beteranang akstres sa kanyang interview sa Youtube vlog ni Ogie Diaz.

“Oo, bakit, problema? Saka nagmamahal ako nang tapat,” pahayag ng aktres ng matanong ni Ogie kung kaya nitong aminin na LGBTQ member siya.

Dito ipinakilala ng aktres ang mahal nitong yumaong aktres na si Nenita Vidal na tinatawag niyang “Doktora Bong” na kanya umanong “lucky charm.”

Emosyonal si Pareño habang binabalikan ang mga magagandang nagawa sa kanya ni Vidal.

“Nasa kuwarto ko pa rin ‘yung urn niya… Ang dami kong utang na loob doon, saka mabait sa akin. Tinuturuan ako, ine-educate niya ako,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *