Isang beki, patay na nang makita; hustisya, sigaw ng pamilya

Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng isang binata matapos makita ang katawan nito habang nakabitin sa puno ng niyog sa Barangay Cabigsing, Cuyo Palawan.

Ayon kay Kristine Joy R. Piolo, sa panayam ng Brigada, kahapon ng umaga nang makitang patay na ang pinsan na si Sakilon Rodriguez Quirino, 32 anyos sa labas ng bahay ng kaibigan.

Para kay Kristine, hindi siya naniniwalang basta na lamang wawakasan ng pinsan ang sarili nitong buhay kaya hinala niya ay may pumatay rito.

Nabalitaan ni Kristine na gabi ng Martes, ika-18 ng Oktubre nang mag-inuman ang pinsan at tatlong kaibigan nito hanggang sa malaman na lamang nila ang masamang balita kahapon.

Wala rin daw naikukwentong problema ang malapit nyang pinsan, ayon pa kay Kristine.

Samantala, nag-iimbestiga pa ang Cuyo PNP sa insidente para malaman kung may foul play at humiling na rin na ma-autopsy ang biktima.

Nakausap na rin nila ang mga huling nakasama ni Sakilon bago ito makitang patay, ayon kay PLt. Marvin R. Herrera ng Cuyo Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *