Isang delivery rider na nawalan ng malay sa daanan sa Antique—ninakawan pa

Nagmamakaawang humihingi ng tulong ang isang delivery rider na kinilala kay John Dale Narboneta, 35 taong gulang, at residente ng brgy. Atabay, San Jose de Buenavista, Antique upang maibalik ang perang koleksyon nito matapos manakawan habang walang malay na nakahandusay sa gilid ng kalsada ng Benitez St., District 3, Sibalom, Antique, gabi ng Setyembre 7, 2023.

Base sa impormasyon, magdi-deliver na sana ang biktima ng mga natirang parcels sa bayan ng Sibalom.

Sa pahayag naman ni Narnobeta, may dala itong pera na nagkakahalaga ng P44,000 sa loob ng kaniyang bag na ire-remit na sana sa kanilang opisina nang bigla itong nakaramdam ng gutom, nandilim ang paningin, at doon na rin mismo natumba at nawalan ng malay.

Dagdag pa niya, noong nakarating na ang mga emergency responders at naibalik na ang kaniyang ulirat ay wala na rin ang perang nakolekta.

Nananawagan naman ngayon nga tulong upang maibalik sa kaniya ang pera dahil base sa biktima, hindi nito kayang bayaran ang ganoon ka laking halaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *