Kaanak ng SUV driver sa viral road rage incident sa Valenzuela, pinuntahan ng mga pulis para pasukuin ito

Pinasusuko na ng mga pulis ang SUV driver na sangkot sa viral road rage incident sa Valenzuala City.

Ayon kay Valenzuela City Polcie Station Chief of Police PCol Salvador Destura Jr., pinuntahan na ng mga pulis ang kaanak ng SUV driver at nagsabi na rin ang mga ito na kakausapin nila ang driver.

Ang naturang driver ang nahuli cam noong August 19 na bumaba sa SUV Dala-dala ang isang baril habang kinokompronta ang isang taxi driver.

Samantala, haharap daw sa isang pressconference sa Lunes ang nakagiriang taxi driver na pangungunahan ni Mayor Wes Gatchalian.

Maaalalang , binawi na ng Philippine National Police Firearms and explosives office ang lisensiya ng baril na pagmamay-ari ng suspek.

Pinatawan na rin ng 90 days suspension ng Land Transportation Office ang registration ng SUV habang iniimbestigahan pa ang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *