Isang hotel and tourist inn sa Legazpi City, Albay, nasunog; itinuturong dahilan, pagbalik umano ng kuryente sa lunsod

LEGAZPI CITY – Nasunog kahapon ang kisame sa ikatlong palapag ng City Corner Hotel and Tourist Inn sa Brgy. Sagmin lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa may-ari ng establisimiento na si Rudy Mostar, nagsimula ang sunog bandang 5:30 ng hapon sa ikatlong palapag.

Hindi rin nito malaman kung saang parte ng nasabing palapag ang pinagmulan ng sunog dahil nakita na lamang nito na nasusunog na pala ang kanyang establishmento.

Bago pa man dumating ang mga bumbero ay pinapatay na nila ang sunog sa pamamagitan ng fire extinguisher ngunit hindi ito kinaya dahil mabilis umanong kumalat ang apoy sa kisame.

Sinabi ni Mostar na posibleng nagsimula ang sunog anoong bumalik ang kuryente sa kanilang lugar matapos ang mahabang oras na brown-out.

Sa panayam ng Brigada News FMM Legazpi kay Fire Senior Inspector Dan Romulo Caseres, City Fire Marshall ng BFP Legazpi, sinabi nito, patuloy pa rin ang pagkalap ng kanilang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Hindi rin masabi sa ngayon kung ang pagbalik ng kuryente nga ang pinagmulan ng sunog dahil sa bodega umano ito nangyari, kung saan kailangan pa itong linisin upang makapagsagawa ng imbestigasyon.

Aminado rin ang BFP na nahirapan din itong mag-apula ng sunog dahil marami umano ang mga gamit at dahil na rin sa kapal ng usok.

Halos tumagal nang humigit-kumulang isang oras bago ideklara ng BFP na fired out na ang lugar.

Samantala, wala namang nasaktan umano sa sunog at inaalam na rin ng ahensya ang total damages ng sunog ng establisment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *