Mahigit 100 empleyado ng Legazpi City Hospital, sumailalim sa surveillance RT PCR test

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Dr. Joy Lourdes Dacumos, OIC Chief ng Legazpi City Hospital (LCH) na sumailalim sa RT PCR test ang mahigit 100 empleyado ng nasabing ospital.

Ayon kay Dr. Dacumos, nasa 120 empleyado na Job Order at Contract of Sevice ang nagpatest sa RT PCR kahapon bilang bahagi ng kanilang ginagawa sa ospital na routine surveillance.

Layunin nito na para matiyak ang kaligtasan ng bawat empleyado ng ospital at maging ang pasyente upang hindi na mahawaan pa ng sakit sakaling mayroong magpositibo sa sakit na COVID-19.

Dahil dito, mapipigilan na ang pagkalat ng nasabing sakit sa ospital at hindi na rin umano magkakaroon pa ng local transmission sa lunsod.

Aniya, matutukoy na rin kung sino sa mga ito ang asymptomatic o positibo sa COVID-19 at mapapabilis din ang gagawing contact tracing ng city health office.

Sa ngayon ay nasa 80% pa rin ang bed capacity ng Legazpi City Hospital.

Paalala ng opisyal sa mga hindi pa natuturukan ng booster shot laban sa COVID-19 ay kailangan nang magpabakuna upang mabigyan ng proteksyon.

Samantala, unti-unti na muling tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit dahil sa marami pa ang hindi nagpapaturok ng booster shot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *