Isang kandidata sa MUP, top notcher sa boards

Bigo man masungkit ni Jeanne Nicci Cuevas Orcena ng Davao del Norte ang korona para sa Miss Universe Philippines, nakamit niya naman ang bagong tagumpay.

Nagtapos si Nicci ng Bachelor of Science in Medical Laboratory Science noong Mayo sa Tagum Doctors College, Inc. bilang class valedictorian at magna cum laude.

Ilang buwan lang ang makalipas, Top 5 naman siya sa August 2023 Medical Technologists Licensure Examination, at may rating na 92.2 percent.

Matagal nang pangarap ni Nicci na maging top notcher kaya nag prepara ito nang matindi, ngunit aminado siya na nahirapan siya sa board exam, kaya’t laking gulat na lang nito na parte siya ng Top 5.

Inialay naman nito ang tagumpay sa kanyang mga magulang at sa Panginoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *