Iskultor ng mga rebulto sa Albay, naghahanda na para sa Semana Santa

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang mga iskultor ng mga rebulto sa lalawigan ng Albay para sa nalalapit na Semana Santa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Gregorio Vibar, Jr. II, isang iskultor, sinabi niya na pinaghahandaan na nila lalo na ang pag-distribute ng mga rebulto asin pag-repair ng mga karo.

Subalit, aniya, isa sa kanilang mga nagiging problema minsan ay ang pagkawala ng supply ng kahoy dahil umaasa lang umano sila sa mga kahoy na inaalis sa gilid ng mga bahay.

Napag-alaman din na umaabot sa mahigit 55,000 pesos ang paglililok ng rebulto depende sa sukat at detalye nito, at hindi pa rito kasama ang damit. | Brigada Intern ROSE ANN MARIE EXCIJA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *