Bicol regional MWP na may kasong 3 counts of statutory rape, arestado

LEGAZPI CITY – Nasa kamay na ng mga otoridad ang lalaking tinaguriang Regional Most Wanted Person ng Bicol na may kasong tatlong bilang ng statutory rape o panggagahasa ng menor de edad.

Ang akusadong si alyas “Manoy”, 50 anyos, construction worker na mula sa bayan ng Daraga, Albay, ay nahuli sa manhunt operation ng Daraga PNP at intelligence team ng PIU Albay sa bisa ng warrant of arrest para sa nasabing kaso na walang piyansa.

Nasa kustodiya na ito ng nasambing himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon. | Brigada Intern ROSE ANN MARIE EXCIJA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *