Isolation facilities sa bayan ng Basud inihahanda na muli ng Lokal na Pamahalaan sa gitna ng papataas na namang kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Inihahanda na naman ngayon ang mga isolation facility sa bayan ng Basud Camarines Norte sa gitna ng papataas na kaso ng COVID- 19

Sa flag raising ceremony kahapon, inihayag ni Mayor Adrian Davoco na asahang magiging abala na naman muli ang LGU sa paghahanda ng mga pasilidad na paglalagyan ng mga Covid patients na asymptomatic at mayroong mild symptoms gayundin ang pagdadalhan ng mga close contacts.

Mayroong Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) sa Barangay Taisan at dito dinadala ang mga nagpositibo sa COVID- 19 na hindi kailangang dalhin sa ospital.

Ang problema ngayon ay ang paglalagyan ng mga close contacts kapag tumaas ng husto ang mga kaso ng sakit dahil ang isa sa malaking pasilidad na ipinahiram sa LGU noon ng isang private entity ay hindi na ipapagamit.

Sa kabila nito ay tiniyak ng Alkalde gagawin ng LGU ang lahat para magkaroon ng maayos na isolation facility

Magiging huling option umano ang home quarantine kung walang wala na talagang pagdadalhan sa mga ito.

Kaugnay nito hinimok ng Alkalde ang lahat na sundin ang health protocols lalo’t mabilis umano ang hawaan ngayon ng sakit.

Batay sa case bulletin ng LGU umaabot na ngayon sa 241 ang kabuuang kaso ng sakit sa naturang bayan matapos makapagtala ng pitong panibagong kaso noon lang nakaraang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *