Isolation facilities sa syudad ng Ilagan, punuan na

Nagkakapunuan na ang mga isolation facilities sa City of Ilagan sa gitna ng dumarami pang kaso ng COVID-19 sa lunsod.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Information Officer Paul Bacungan, sinabi niya na dahil sa patuloy na pagdami ng tinatamaan ng virus ay punuan na rin ang kanilang sampong isolation facilities at mga pagamutan.

Kaugnay nito ay nagtatayo na rin aniya ang lokal na pamahalaan ng mga panibago pang pasilidad kagaya ng  mobile houses bilang karagdagang pasilidad na pagdadalhan sa mga pasyente.

Aniya, halos mas marami pa ang mga bagong naitatalang impeksyon araw-araw kaysa sa mga nakakarekober kaya’t nagpatupad na rin ng lockdown ang LGU sa 35 barangays.

Sinabi pa nito,  karamihan umano sa mga nagpopositibo sa virus ay mga magkakapamilya na at hirap tukuyin ang source kung saan nahawa ang mga ito.

Bagaman mayroon naman aniyang mga itinalagang mga barangay isolation kung saan dinadala pansamantala ang mga nagpopositibo.

Tiniyak naman ni Information Officer na regular na namomonitor ang mga COVID-19 patients ng mga health workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *