Isyung nabakunahan na hindi kasali sa priority group, nilinaw ni Mayor bernard dy

Nakatanggap ng sunod-sunod na reklamo ang LGU-Cauayan City mula sa mga mamamayan matapos umano nilang maobserbahan na ilan sa mga nabakunahan ay hindi kasali sa Priority Groups.

Nilinaw naman ito ni Cauayan City Mayor Bernard Dy sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kung saan inamin ng alkalde na marami ang natatanggap nilang reklamo kaugnay dito.

Ayon kay Mayor Dy, marami umanong hindi sumisipot sa ilalim ng priority list sa itinakdang araw ng kanilang pagbabakuna kaya’t inilalaan nalang umano nila ito sa mga susunod na priority groups.

Ito ay upang hindi umano masayang ang mga bakuna dahil nagkukulang din ang suplay ng vaccine sa lungsod.

Samantala, patuloy namang nanawagan ang alkalde na magparehistro na ang mga nasa priority groups upang makumpleto ang porsyento ng nabakunahan sa A1, A2, at A3 upang masimulan na rin ang pagbabakuna sa A4 Priority Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *