Isolation facility sa Cauayan City, maayos naman- MAYOR BERNARD DY

Walang problema at maayos naman ang kalagayan ng mga tatlong Isolation Facility sa lungsod ng Cauayan sa kabila na patuloy ang pagdagsa ng mga sumasailalim dito.

Ito ang kinumpirma ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino Dy sa naging eksklusibong panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay Mayor Dy, hanggang ngayon ay wala pa naman umanong naipapahatid sa kanyang mga kakulangan ng mga itinalagang Isolation Facility sa Bahay Silangan, Isabela State University Cauayan Campus, at ang Rural Health Unit 3.

Hindi naman nagkukulang ang City Health Office sa pagbabantay sa kalusugan ng bawat nakasailalaim sa mga Isolation Facility.

Nakatoka naman umano ang Cauayan City Nutrition Office sa kanilang pagkain kung saan ilan sa kanilang ibinibigay ay mga gulay, prutas, bitamina at mga protective equipment.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang konstruksyon ng isolation facility ng lungsod na may lawak na 5000 sqm sa Brgy. Tagaran  kung saan 3500 sqm ang inilaan para sa Isolation Floor Plan na pinondohan ng 65 million pesos mula sa 20% Development Plan ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *