J-Hope ng BTS, muling nagparamdam habang nasa military

Sinorpresa ng BTS member na si J-Hope ang kanyang mga minamahal na ARMY (BTS FANDOM NAME) nang i-post niya ang dance cover sa kanyang pinakabagong kanta na “Neuron” habang nakasuot ng military uniform.

Inilabas ni J-Hope ang kanyang kanta kasabay ang kanyang solo album na “Hope in the Street Vol 1” noong Marso.

Noong Abril 2023, siya ang naging pangalawang miyembro ng BTS na nagsilbi sa military ng South Korea.

Sa ngayon, lahat ng miyembro ng BTS ay naglilingkod sa militar at inaasahang muling magtitipon bilang isang grupo sa 2025.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *