Math genius na anak ng isang tricyle driver, magko-compete sa China

Nasukit ng isang anak ng tricycle driver ang gintong medalya sa ginanap na online Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area Mathematical Olympiad.

Kinilala ang anak 10-anyos na estudyante na si Kiefer Maverick Pasion, na kuwalipikadong lumaban sa Battle of the Gold of the World International Math Olympiad sa Shenzhen, China sa 2025.

Kinahangaan rin siya ng netizens dahil kahit madalas mag-hang ang gadget na ginamit niya at laging mabagal ang internet connection, natagumpayan niya pa ring manalo sa nasabing online competion.

Aniya, determinado siyang manalo dahil inspirasyon niya ang quote mula sa Hollywood actress na si Audrey Hepburn na sinabing “Nothing is impossible; the word itself says I’m possible.”

##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *