Japan, magkakaloob ng P9.2 B para sa PH COVID-19 response

Magkakaloob ng 20 bilyong yen ang Japan sa Pilipinas bilang bahagi ng post-disaster standby loan, bukod pa sa isang bilyong yen na cold chain development assistance sa bansa.

Sa statement ng Japan Information and Culture Center, sinabi ng Japanese government na ang aid package na katumbas ng P9.2 bilyon ay napagkasunduan sa phone summit nina Pangulong Rodrigo Duterte at Prime Minister Suga.

Nagpasalamat umano ang pangulo sa cooperation programs ng Japan sa Pilipinas kabilang na ang ayuda para sa COVID-19 control measures. 

Kabilang sa iba pang government programs sa pagitan ng Pilipinas at Japan ay ang funding ng North-South Commuter Railway sa Metro Manila at tulong ng Japan sa Mindanao peace process. 

Ang meeting nina pangulong Duterte at Suga ay ginanap sa selebrasyon ng 65th anniversary ng normalization ng Japan-Philippines diplomatic relations at dekadang Strategic Partnership. 

Mababatid na dapat ay bibisita sa bansa si Suga ngayong taon para sa anibersaryo pero nakansela dahil sa COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *