JM De Guzman, gustong pakasalan si Donnalyn sa future

Usap-usapan ngayon ang relasyon nila Donnalyn Bartolome at JM De Guzman dahil sa latest post nito sa social media.

Kinilig ang netizens sa ipinost ni JM ang larawan nila ni Donnalyn na nakasuot pangkasal.

Ngunit kahit imbitado lang sila sa kasal, may pa-hirit si JM na… ““How I wish I see you walk down the aisle.”

Saad ng netizens, ito na kaya ang kompirmasyon ng dalawa na sila na?

Sa kabila ng madalas nilang pagkikita noong 2023, sinabi ni JM  na hindi pa sila official ni Donnalyn.

Saad pa nito na isang taon niya nang nililigawan si Bartolome ngunit handa siyang maghintay kahit na matagal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *