Joint operations center (joc) para sa Peñafrancai festival, activated na

NAGA CITY- Activated na ang Joint Operation Center ng Naga City para sa Peñafrancia Festival 2023.

Ito ang sinabi ni Public Safety Office Executive Director Renne Gumba na siyang itinalagang Manager ng JOC.  Sila ang reponsable sa pag-appoint ng mga mamununo sa Joint Task Groups. Ang JOC ang magsisilbi ring central hub para sa situational awareness, coordination maging sa decision making sa pang rehiyong okasyon. Sila rin ang naatasan na mag monitor at mag evaluate ng over all operation, incident progress at iba pa.

Trabaho rin ng JOC na makipag-ugnayan ukol sa deployment ng resources, assets at personahe base sa pangangailangan ng Peñafrancia Festival Policy Group, Multi-Agency Coordination Group. Nakabase ito sa Executive Order No. 2023-026.

Gagawin na sa Agosto 2 ang workshop ng JOC, kasama ang security , peace and order health and medical emergency Joint Task Group at media, gayundin ang Signing of Memorandum of Commitment at Initial Coordination Meeting ng  Peñafrancia Multi-Agency Coordination Group  at JOC, ang iba sa mga kasama rito ay mga mula sa  Regional Offices sa Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *