Housing settlement nagbabala sa mga benepisyaryo na nagbebenta ng lupang awared ng City LGU

NAGA CITY – Nagbabala ang opisina ng Housing Settlement and Development sa mga benepisyaryo na nagbebenta umano ng lupang awarded ng City LGU, ito ay kaugnay ng reklamo na nakarating sa nasabing opisina patungkol sa pagbenta ng lupa.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Engr. Rolando Campillos ang head ng Housing Settlement and Development Office sa Naga, sinabi nitong hindi maaaring ibenta ang lupang inaward ng Local Government Unit sa kahit na sino man.

Paalala ng opisyal sa mga magbebenta may kaukulang kaso o reklamo ang kakaharapin ng sino mang mapapatunayan na lumabag sa kasunduan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *