Jose Faustino, kinumpirmang nag-resign matapos ang re-appointment ni Centino

Kinumpirma ni retired general Jose Faustino Jr. na kaya raw siya nag-resign bilang officer-in-charge ng Department of National Defense ay matapos lamang ang reappointment ni Geneneral Andres Centino bilang chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines.

Sa isang pahayag, sinabi ng resigned DND senior Usec na nalaman lamang niya ang panunumpa ni Centino sa balita at sa social media.

Dahil dito, nag-submit daw siya ng kanyang irrevocable resignation kay Pangulong Bongbong Marcos noong nakaraaang Biyernes.

Aniya, ang AFP raw ay isang disiplinado at competent na organisasyon kaya naman hindi niya hahayaaang madungisan, at mapulitika ang reputasyon ng buong Kasundaluhan.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin siya sa pagkakataong ibinigay ng Pangulo para pamunuan ang Tanggulang Pambansa.

READ MORE: Sitwasyon ng AFP at DND, dapat linawin – solons
#

Mas marami pang Defense Department officials – kumpirmadong nagsipag-resign na rin

Aabot sa pito hanggang siyam na mga ‘upper-level’ Defense officials ang nagsipag-resign na rin sa puwesto.

READ MORE: AFP, nanindigang hindi na kailangan pa ng ‘loyalty check’ sa mga sundalo

Ito ang kinumpirma ni DND spokesperson Arsenio Andolong matapos ang pagbibitiw din sa puwesto ni Faustino.

Sa kabila niyan, tiniyak ni Andolong na ang pagre-resign ng mga naturang opisyal ay hindi makaaapekto sa operasyon ng Tanggulang Pambansa.

‘Coterminous’ din daw ang mga ito kaya sila bumaba sa tungkulin.

Pagsisiguro pa niya, ‘normal operations’ pa rin ang DND kahit na nag-resign ang DND officials, at nagkaroon din ng biglaang pagbabago sa liderato ng Kagawaran at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Matatandaaang sa hiwalay na pahayag – kinumpirma ni Faustino na kaya siya nag-resign bilang DND OIC ay dahil hindi siya nasabihan sa reappointment ni Geneneral Andres Centino bilang chief-of-staff ng AFP.

Ayon kay Faustino, nalaman lamang niya ang panunumpa ni Centino sa balita at sa social media.

Pinalitan ni Centino si Lt. General Bartolome Bacarro kung saan isinagawa agad ang turn-over ceremony, isang araw lamang matapos manumpa ni Centino kay Pangulong Bongbong Marcos.

Si Faustino, Bacarro, at Centino ay magkaka-mistah at kapwa nagsipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ‘Maringal’ Class of 1988.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *