Joshua Garcia at Julia Barretto, pinakilig ang fans sa muli nilang pagkikita

Pinakilig ng dating tambalang JoshLia ang kanilang mga fans matapos ang muling pagkikita nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Nagkita kasi ang dalawa sa isang surprise tribute party sa kilala star maker na si Johnny Manahan o Mr M.

Makikita sa video na dumaan sa gilid ang ex-boyfriend ng aktres na si Joshua habang nakikipag usap si Julia kay Charo Santos.

Nang makita ni Julia ang nag hi sa kanya, agad itong niya itong niyakap.

Saad ni Mam Charo, “My favorite love team. Kinikilig ako sa kanila!”

Ganito din ang naging reaksyon ng mga JoshLia fans dahil matagal na silang naghihintay ng interaction ng dalawa simula nang maghiwalay ang mga ito sa pagiging love team at pagiging real-life couple.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *