Joyce Penas Pilarsky, official candidate ng MUP-Quezon City 2024

Trending ngayon ang pagsali ng senior citizen at fashion designer na si Jocelyn Cubales, na mas kilala sa mga taga-showbiz bilang Joyce Penas Pilarsky, sa labinlimang kandidata ng Miss Universe Philippines-Quezon City 2024.

Kung papalarin si Joyce sa nasabing pageant, siya ang magiging representative ng Quezon City sa Miss Universe Philippines 2024.

PMabibigyan din siya ng pagkakataong makipagtunggali para maging official candidate ng Pilipinas sa 73rd Miss Universe na idaraos sa Mexico.

Gagawa ng kasaysayan si Joyce sa Pilipinas dahil sa edad na 69, siya ang pinakamatanda sa mga kandidate na maging kalahok sa Miss Universe Philippines 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *