National

Julian Felipe Reef, hindi nakapaloob sa EEZ ng Pilipinas ayon sa Palasyo

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi nakapaloob sa exclusive economic zone ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef.

Iba ito sa pusisyon ng Department of National Defense at Department of Foreign Affairs na naghain ng diplomatic protest laban sa China dahil daan-daang mga barko nito na pumarada Julian Felipe Reef.

Sinabi ni Roque na ang mga kritiko lamang ang nagpapalaki sa isyu para lamang sirain ang pakikipagmabutihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Sa katunayan anya, ang National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang unang umalma sa presensya ng mga barko, na kalaunan ay sinuportahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Kaugnay nito ay itinanggi naman ni Roque na humina ang pusisyon ng Pilipinas ng Julian Felipe Reef dahil sa kanyang mga pahayag.

Iginiit ni Roque na meron presidential decree na inilabas noon si dating pangulong Ferdinand marcos na nagpapatibay sa claim ng Pilipinas sa Julian Felipe, kahit nasa labas ito ng EEZ ng Pilipinas.

Ipinunto rin ni Roque na kahit kailan ay hindi kontrolado ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef at ang China at Vietnam naman talaga ang nakikipag-aagawan sa naturang teritoryo.

Matatandaan na sinabi ni dating Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio na nasa loob ng 12 nautical miles ng Grierson Reef ang Julian Felipe Reef.

Ang Grierson Reef, na isang high tide feature na inookupahan ng Vietnam, ay kine-claim ng Pilipinas sa ilalim ng RA 9522, bilang bahagi ng Kalayaan Island Group.

BNFM Makati

Recent Posts

China, hinamon ng isang kongresista na tumupad sa kasunduan sa Amerika para umiwas sa “miscalculations”

Ikinalugod ni Cagayan De Oro City Second District Representative Rufus Rodriguez ang pangako ni US…

58 seconds ago

GenSan dili pa makadeklara og ‘state of calamity’ dungan sa nasinatiang El Niño

WALA nakita sa mga opisyal ang pagpailawom sa GenSan sa state of calamity luyo sa…

4 mins ago

Pagpangawat sa menor de edad, sapon sa CCTV

DAKPAN ang menor de edad nga lalaki human na-track ang lokasyon sa usa ka cellphone…

6 mins ago

China – nakabantay sa joint maritime exercises ng PH, Amerika

Masusi umanong nakamasid ang China sa joint maritime exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.…

8 mins ago

Defense ministers ng PH, Japan, US, Australia – magpupulong sa Mayo

Ibinunyag ni Japanese Defense Minister Minoru Kihara na nakatakda siyang makipagpulong sa kanyang mga katapat…

23 mins ago

Alyansa ng Pilipinas sa Amerika sa WPS, pinaboran ng mahigit kalahati ng mga Pilipino

Hindi bababa sa 43% ng mga Pilipino ang pabor sa pakikipag-isa ng Pilipinas sa Amerika…

32 mins ago