June Mar Fajardo, nasungkit ang ika-7 MVP

Pinatunayan ni June Mar Fajardo na mahirap siyang alisin sa tuktok ng pinakamahusay na maglaro ng Basketball sa bansa nang makuha nito ang pampitong Most Valuable Player (MVP) sa Season 47 ng Philippine Basketball Association (PBA).

Nabatid na pinigilan ni Scottie Thompson ang sunud-sunod na MVP ni Fajardo noong nakaraang taon pero agad naman nitong binawi ang kanyang katayuan bilang pinakamahusay na manlalaro ngayong taon.

Ayon kay Fajardo, napakaimportante ng karangalan sa kanya dahil galing ito sa injury at hindi niya alam kung makakapaglaro pa siya ulit.

Bago ang 2020 season, nabalian ng kaliwang alulod sa ensayo ni Fajardo at hindi na nakapaglaro.

Nagtala si Fajardo ng 17.7 points, 13.5 rebounds, 2.9 assists, at 1.3 blocks para manguna sa statistical points (SPs) battle na may average na 40.2 SPs.

Tinalo ng “The Kraken” sa karangalan sina Scottie Thompson, CJ Perez at Christian Standhardinger.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *