Katrina Halili, ayaw nang magka-baby

Wala nang balak si Katrina Halili na masundan pa ang kanyang anak na si Katie.

Ayon kay Katrina, ayaw na nitong magkababy, mas gusto na niyang mag-alaga ng ibon.

Dagdag pa ng sexy actress, mahirap ang pagbubuntis at hindi na nito kaya ang maraming anak kaya’t saludo siya sa mga mommies out there.

Sa ngayon aniya ay nakatutok siya sa pagpapalaki kay Katie dahil diagnosed ito ng autism spectrum disorder.

Batay sa kanyang doktor, kailangan tutukan ang kanyang anak hanggang 12 years old dahil baka lumala ang sakit nito.

Ito rin ang rason kung bakit paisa-isang teleserye lamang si katrina kada taon para maalagaan ng husto ang kanyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *