Justices, bumoto nang base sa constitutionality ng Anti-Terror Law ayon sa SC

Kinumpirma ng Korte Suprema na nagsagawa na ang Court En Banc ng deliberasyon ay botohan kaugnay sa constitutionality ng Anti-Terrorism Act.

Gayunman, ipinunto ni SC Spokesperson Brian Keith Hosaka na hindi na kinailangan ng justices na i-tally ang bawat boto nito upang tiyakin na magkakaroon ng tamang resolusyon ang korte.

Ipinaliwanag niya na maraming isyu ang kinailangan na resolbahin sa ilalim ng kaso, at sa bawat isyu ay kinailangan ng mga mahistrado na bumoto.

Tiniyak naman ni Hosaka sa publiko na handa ang kataas-taasang hukuman na magbigay ng accurate summary ng desisyon sa lalong madaling panahon.

Matatandaan na mayroong 37 petisyon laban sa anti-terror law, na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong July.

Sa ngayon ay makokonsidera na ito bilang pinaka-nakuwestyong batas sa Korte Suprema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *