Kabuuang benta ng milk commercial product ng Albay Dairy Plant, pumalo na sa mahigit P900,000 sa loob ng 8 buwan

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa humigit-kumulang P900K ang gross sale o kabuuhang benta ng milk commercial product ng Albay Dairy Plant.

Ito ang inihayag ni Ninive Latigay, manager ng Albay Dairy Plant sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Latigay, nahigitan pa nila ang kabuuhang benta ng milk commercial product sa taong 2022 sa loob lamang ng walong buwan.

Kung ikukumpara sa taong 2021 ay nasa mahigit P500K ang kanilang benta ng milk products.

Paliwanag nito kung bakit naabot ang quota ngayong taon ay dahil sa ginawang istratehiya tulad ng pagpost sa social media kung saan nilalagay nito ang mga larawan ng mga iba’t ibang uri ng kanilang produkto at maayos na pakikipagtransaksyon sa mga potential reseller na naidadala ang gatas sa lugar ng Tabaco city at iba pang lugar sa Bicol.

Target nito na sa ngayong 2022 ay dapat malampasan ang quota ng nagdaang taon.

Umaasa siyang bago magtapos ang kasalukuyang taon ay makuha nila ang P1.5 na gross sale sa milk commercial product.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *