Online seller, huli sa buy bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Himas-rehas na sa kulungan ang isang online seller matapos itong mahuli sa ikinasang buy-bust operation sa P-2, Brgy. 42 – Rawis, Legazpi City, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Vanessa”, 41-anyos at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, hapon nang magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga otoridad laban sa suspek, kung saan kumagat ito sa pain matapos nitong pagbentahan ang isang poseur buyer ng isang heat sealed transparent sachet ng pinaniniwalaang shabu sa halagang P5, 500.

Habang isinasagawa ang palitan sa transaksyon ay dito na nagpakilala ang posuer buyer na isang otoridad, kung saan hindi na nakapalag pa ang suspek attuluyang nahuli.

Narekober sa kanya ang humigit-kumulang isang gramo ng pinaniniwalaang shabu at pera na ginamit bilang buy-bust money.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng Legazpi CPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na ang kasong isasampa sa kanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *