Kahalagahan ng pagkakaroon ng expanded newborn screening, ipinaliwanag ng Albay PHO

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Albay Provincial Health Office (PHO) ang kahalagahaan ng pagsasagawa ng expanded newborn screening sa mga sanggol.

Ayon kay PHO Safe Motherhood Program Coordinator, kabilang sa mga benepisyo ng nasabing hakbang ay ang maagang pagtukoy ng kondisyon o anumang sakit sa mga bata bago pa man ito makitaan ng anumang sintomas.

Sinabi pa ng opisyal na ang pagsasagawa umano ng nasabing eksaminasyon sa mga sanggol ay sakop ng Philhealth na nakapalaman sa newborn care package, kaya naman dapat itong samantalahin ng bawat magulang para sa kanilang mga anak.

Kung hindi umano maaagapan ay posible umanong makaranas ang mga ito ng mental retardation, congenital disorder at iba pang komplikasyon sa kanilang paglaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *