PNP, nagtaas ng alerto sa digital / online vote buying

Naghahanda ang buong pamunuan ng PNP sa mga posibleng hamon sa pag-detect ng digital vote buying katulad ng electronic money transfer o GCash ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang pamamaraan sa pagbili ng boto na ginagawa sa pamamagitan ng mga paraang ito ay nauso at naging patok noong 2022 elections dahil na rin sa pandemya ng Covid-19, ayon ito sa PNP.

Dagdag pa ng ahensya, posibleng mangyayari ito dahil sa malawakang paggamit ng cashless transactions at sa pamamagitan nito mahihikayat ang publiko na ibenta ang kanilang mga boto.

Bunsod nito maglalagay ang PNP ng pananggalang laban sa gawaing ito. Magbabantay din ang ahensya sa mga ulat o at sumbong na maiaalok ng publiko.

Sa record ng case Monitoring Division of the Directorate for Investigation and Detective Mgmnt, naiulat na noong 2016 may naitala silang 11 vote buying incident kung saan ang 5 dito ay naisampa sa korte; noong 2019 ay may 22 kaso na naisampa sa korte sa 82 naiulat na vote buying incidents habang noong National at Local elections, may naiulat na 29 na vote buying incidents kung saan 6 ang naisampa sa kaso, 13 ang nai-refer sa Prosecutor’s Office, 10 ang under investigation at 50 ang naarestong suspek.

Ang pagbili at pagbebenta ng boto ay mga paglabag sa ilalim ng seksyon 261 ng Omnibus Election Code at maaaring parusahan ng pagkakulong, diskwalipikasyon sa pampublikong latungkulan, pag-alis ng karapatang bumuto at multa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *