Kakaibang convo ng mag-ina, kinagiliwan ng mga netizen, online

Kinagiliwan sa social media ang naging palitan ng mensahe ng isang binata at ng ina nito.

Matapos kasing mag-send ng message ang binatang si Calvin Jhon DeLa Torre sa kanyang nanay at sinabi na maaga silang pinauwi mula sa kanilang klase sa Cavite State University dahil sa umano’y “bomb threat” ay ni-like zone lang siya nito at nanghingi pa ang kanyang nanay ng load na P20.

Ibinahagi ito ni Calvin sa kanyang Facebook post na may caption na “Salamat, Ma”; “feeling safe”.

Ayon kay Calvin, tipid lang anya mag-reply ang kanyang nanay pero “bungangera” raw ito sa personal. Komento pa ng ilan, “Momchalant” raw ang nanay ni Calvin, pinaghalong dalawang salita; Mom at Nonchalant.

Sa ngayon, mayroon ng kulang-kulang na 50K reactions at 13K shares ang naturang post.  ### JEREMY LESNIANA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *