Kaligtasan ng mga Bicolano at iba pang mga turista sa pagbukas ng Bicol Loco Festival ngayong araw, tiniyak

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Police Regional Office (PRO) 5 ang kaligtasan ng mga Bicolano at turista sa pagbubukas ng Bicol Loco Festival ngayong araw sa Old Legazpi City Airport.

Ayon kay PNP Bicol Regional Director PBGen. Andrei Dizon, may mga istratehiya at plano ang PNP para sa aktibidad na ito upang masigurong nasa maayos ang lahat at mayroon ding mamamahala sa crowd control, billet security, Quick Response Team (QRT) operations, Rapid Security Support Force (RSSF) deployment, traffic management at Explosive Ordnance Disposal (EOD).

Samantala, ayon naman kay AKB Party-list Rep. Cong. Elizaldy Co, ang aktibidad na ito ay magbibigay-daan sa maraming oportunidad sa trabaho sa mga Bicolano.

Sa paraan umano nito, maraming mag-iinvest na foreign sa rehiyon katulad na lamang ng karagdagang hotels, paggawa ng balloons at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *