Kamara, all-set na sa unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes

Isang linggo bago ang kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes, tiniyak ng Kamara na handang-handa na ito sa magiging programa sa Batasang Pambansa.

Ayon kay House Secretary General Dong Mendoza, mayroon na lamang mga minor revisions na kinakailangang plantsahin.

Tuluy-tuloy din aniya ang pakikipag-coordinate nila sa mga concerned agencies pati sa Malacañang.

Sa ngayon, inumpisahan na nito ang pamimigay ng mga imbitasyon para sa mga dadalo sa SONA.

Nagkaroon din umano ng adjustment sa capacity ng Batasang Pambansa mula sa 1,200 individuals na kayang ma-accomodate ng gusali.

Sinabi ni House official na naipadala na ang ilan mula sa 1,365 invitations na inaasahang dadalo sa unang SONA ni Marcos.

Bago ito, una nang sinabi ng Philippine National Police na aabot sa higit 21,000 na mga personnel at mga force multipliers ang itatalaga sa palibot ng complex para matiyak ang seguridad sa Lunes.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *