DSWD Region 3, itinangging may panibagong ayudang ibibigay galing sa SAP

Itinanggi ng Department of Social Welfare and Development na may panibagong bugso ng Social Amelioration Program ang nakatakdang ipamahagi ng pamahalaan.

Ito ay makaraang kumalat ang personal at text messages na nagsasabing may ibibigay na lima hanggang 8-thousand pesos ang gobyerno sa mga mahihirap, construction, worker, persons with disability, labandera at iba pa.

Nagbigay din ng instruction sa mga umanoy target beneficiary na kumuha at mag-fill up ng SAP form na makukuha sa mga opisina ng barangay at ang sinumang di mabibigyan ay pinagrereklamo sa DILG.

Ayon kay DSWD Region 3 Spokesperson Renier Grospe, kalat sa maraming bahagi ng bansa, hindi totoo ang mga ito at gawa-gawa lang ng kung sinong indibidwal o grupo ang mensahe sa layuning kumita ng pera gamit ang social media.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *