Kamara, hindi iniisip ang 2028 national elections nang dumepensa laban sa salita ni dating PRRD

Walang kinalaman sa 2028 national elections ang hakbang ng Kamara na ipagtanggol ang integridad at reputasyon ng institusyon pati na ang pagbabago sa liderato.

Ito ang iginiit ni House Majority Leader Mannix Dalipe sa harap ng maaanghang na pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Kongreso.

Sa isang panayam, sinabi ni Dalipe na nagkataon lang na naglabas ng statement ang isang indibidwal na sumisira umano sa imahe, karakter at integridad ng Mababang Kapulungan.

Gumanti lang aniya ng pahayag ang Kamara dahil binabanatan sila ng di magagandang salita at nasaktan nang husto hindi lamang ang mga mambabatas kundi pati na ang political parties.

Binigyang-diin din ng House leader na nakatutok sila sa pagtapos sa trabaho partikular sa mga panukalang kailangang ipasa na nabanggit sa State of the Nation Address.

Umaasa umano sila na maaaprubahan ang labimpitong SONA priority measures pagsapit ng Disyembre o bago ang Christmas break.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *