Kambing sa Pakistan, nasa 22 pulgada ang haba ng tenga

Pakistan– Instant celebrity ang datingan ng isang kambing na si Simba sa Karachi sa bansang Pakistan matapos umabot sa 22-pulgada ang kanyang mga tenga dahilan para pusuan ito ng mga netizen, online.

Ayon sa tagapag-alaga ng nasabing kambing na si Mohammad Hassan Narejo, June 4 nang ipinanganak ang nasabing kambing kung saan kanilang nadiskubre na aabot sa 19 na pulgada ang mga tenga nito pero nadagdagan ng tatlong pulgada makalipas lamang ang isang buwan.

Tatlong beses kung painumin ni Narejo ng gatas si Simba at gumagawa pa ng ilang mga hakbang para masiguro ang kalusugan nito.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang tagapangalaga ng Kambing sa prestihiyosong Guinness World Record sa pag-asang kilalanin si Simba sa kanyang natatanging istura. ### π—žπ—˜π—‘π—‘π—˜π—§π—› π—•π—˜π—₯π— π—œπ—Ÿ, π—œπ—»π˜π—²π—Ώπ—»

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *