1.6 milyong mga turistang dumating sa Naga bago ang pandemya nais nang malampasan ngayon

NAGA CITY – Tuloy na tuloy na ang Peñafrancia Festival Celebration ngayong Setyembre sa Naga City kaya abala ang City Government sa paghahanda sa mga programa at aktibidad sa pamamagitan ng series of meetings na ginagawa ng mga ito.

Inilabas na ng opisina ni City Mayor Nelson Legacion ang mga programang ito na posted na rin sa kanilang facebook account.

Nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga si Alec Santos, head ng  Arts , Culture and Tourism Office (ACTO) at nabanggit nito na hangad nilang maabot o malampasan ang 1.6 milllion turista noong taong 2018 at bago nagkaroon ng pandemya.

Ayon kay Santos, maluwag na ang restrictions ngayon sa kabila ng tumataas na naman ang kaso ng COVID-19 kaya inaasahan nilang mas maraming turista, local man o galing sa ibang bansa ang darating sa lungsod.

Aniya sabik at excited ang mga deboto ni Inang Peñafrancia at ni Divino Rostro kaya dadagsa ang mga ito para makisaya at maging bahagi ng selebrasyon.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang Traslacion at Fluvial procession para kay Inang Peñafrancia at Divino Rostro ; Miss Bicolandia Beauty Pageant at Military Parade.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *